가사

tuyo

dong abay
미지정미분류

출처 컬렉션: AZLyrics

AZLyrics · dong abay

User-authorized AZLyrics content · dongabay/tuyo

출처 및 웹사이트 목록
번역:미지정

가사

tuyo

ok lang kung tuyo na ang buhok, tulog ka na kapag inaantok, ok lang kung tuyo na ang batok, punas pawis para di amoy putok, ok lang kung tuyo na ang mata, tapos na yatang umiyak di ba?, ok lang kung tuyo na ang paa, di ka na magkakaalipunga, pero ano kung tuyo na ang dugo, kahit tiyan may di na kukulo, ano kung tuyo na ang puso, baka maglaho ang pagsuyo, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, ok lang kung tuyo na ang laway, magmumog ka muna bago magsuklay, ok lang kung tuyo ng sinampay, may masusuot ka na mamaya sa lamay, ok lang kung tuyo na ang sulat, ang tinta e di na babakat, ok lang kung tuyo na ang sugat, wag ka lang magkakapeklat, pero ano kung tuyo na ang gripo, pa'no magsesepilyo sa lababo?, ano kung tuyo na ang poso, sa'n maglalaba ng bra ang lola mo?, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, ok lang kung tuyo na ang ubas, may pulutan na tayong pasas, ok lang kung tuyo na ang gatas, may palamang keso bukas, ok lang kung tuyo na ang baka, may kakainin na tayong tapa, ok lang kung tuyo na ang buwaya, may pabrika ng sinturon at bota, pero ano kung tuyo na ang balon, aasa ka na lang ba sa ambon, ano kung tuyo na ang talon, di na mag-eenjoy sa bakasyon, ano kung tuyo na ang sapa, mamamatay mga butete't palaka, ano kung tuyo na ang lawa, luluwa ang mga mata ng mga isda, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, dehins ok!, ok lang kung tuyo ang semento, bawal ju-mingle sa pader na ito, ok lang kung tuyo na ang espalto, wala na ang swimming pool sa kanto, ok lang kung tuyo na ang kable, di ka na uli makukuryente, ok lang kung tuyo ang kalye, walang baha trapik na lang ang dyahe, pero ano kung tuyo na ang gubat, magugutom tayo nang nakahubad, ano kung tuyo na ang dagat, sa ibang planeta lumipat, ok na ok, ok na ok, ok na ok, ok na ok, ok na ok, ok na ok, ok na ok, ok na ok

댓글

첫 대화를 시작해 보세요.

대화에 참여하려면 로그인하세요.