pusong dragon
oh mahal na prinsesa ako ay nagbighani, nabihag ang puso ko sa ganda mong bukod tangi, ambon sa bahaghari, ulan ng bulalakaw sa langit, hangin sa akin nag aapoy na damdamin, kamahalan, paraluman ng kaharian sa ulap, papaano mapapalapit sayo tong taga lupa, suntok sa buwan totoo yan, gayun pa man gusto ko lang, umaraw man o umulan, ikaw ay mapayongan, oh mahal na prinsesa ako'y nahuhumali, hindi ko akalain ika'y natutuwa rin, sarap mong kasama at ang saya mong kausapin, kaya yung "kahit hindi makatunog nagtutugma rin", para sakin, ikaw lang para sakin, danaw sa abot tanaw para sa uhaw na matanglawin, ang mata mo ang mga mata mo papangarapin, hahanap-hanapin hangga't matupad ang pangitain, binibini wag kang mag-alala, takas tayo sa lanay, tagong tago sa matamlay, maglalakbay hanggang magka-akbay, mga darili magkayakap habang magkahawak, ang ating mga kamay, magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon, hanggang mag bukang liway-way, oh mahal na prinsesa dragon ang yong naakit, nahalina sa pag-awit, mo na merong magik, kaalama'y karagatan sarap sumisid ng malalim, abutin ang mga bituin sakay ng lumilipad na carpet, tayo na sa iba't ibayo ng munting planeta, o byahe pabalik ng panahon sa makinang na kalesa, katayuan ko sumpa gipit kasi gipit sa oras, nagdurugo ang puso kong pilipit sa tinik ng rosas, oh mahal na prinsesa pano ba yan?, napaamo mo ang bakunawa, magpakatao nalang, alang-alang sa pag-ibig, di mo ba ramdam, ang nadarama ngayong gabi simoy palang yan, na kinukulayan ang mundo ko at galaxia, sayang ang pagkakataon kung noon ko lang nakita, eh di sana matagal ng abot langit yong ngiti ko, lakas ng tama ko sayo laging positibo, binibini wag kang mag-alala, takas tayo sa lanay, tagong tago sa matamlay, maglalakbay hanggang magka-akbay, mga darili magkayakap habang magkahawak, ang ating mga kamay, magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon, hanggang magbukang liway-way, oh mahal na prinsesa sayo ako napain, na dagit talas ng isip mo ang kalawit, walang takas sa kagandahan, walang kawangis, walang labis, walang kulang, sadyang walang kaparis, sa ganda mo sinta lubos akong namamangha, pangako ko sa ilog mo lang ako mamamangka, siguro nga di ko alam ang yong tunay na halaga, pero lam kong mahal kita at yun ang mahalaga, oh mahal na prinsesa meron akong surpresa, balot na sa gabundok na alikabog anong probema, sa dami mong misyon sa buhay nakukunsensya, kung sa tingin mo di ko kinaluugod ang yong presensya, pasensya kana at paumahin kahit di ka mapasakin, ako ay sayo parin, ano man ang dumating kahit di mo ko piliin, di ka pipilitin dahil ibig lang kitang ibig kaya, binibini wag kang mag-alala, takas tayo sa lanay, tagong tago sa matamlay, maglalakbay hanggang magka-akbay, mga darili magkayakap habang magkahawak, ang ating mga kamay, magkatabi sa tabing dagat, habang dapit hapon, hanggang mag bukang liway-way
Comentários
Seja o primeiro a conversar.
Entre para participar da conversa.