dalangin (kanta 'to)
gusto ko sanang mahawakan ka, at minsan pa ay mayakap ka, gusto ko sanang makausap ka, at minsan pa'y mahagkan kita, madilim man ang iyong paligid, ang liwanag ko ang siyang sisisid, ang tamis ng aking mga halik, ang siyang magsasabing sayo'y nananabik, sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama, sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya, o aking giliw wag nang malumbay, ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay, sa iyong paggising at walang aakay, nandito lang ako naghihintay, pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin, mga palad mo ang siyang aking dalangin, sana wag mo akong ibaon sa limot, damdamin kong ito'y panahon pa ng batibot, lahat ng bagay ay aking gagawin, upang ang puso mo ay aking maangkin, habangbuhay ako sa iyo'y magpaparaya, pakiusap ko sa'yo wag ka nang magalala, o aking giliw wag nang malumbay, ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay, sa iyong paggising at walang aakay, nandito lang ako naghihintay, pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin, mga palad mo ang siyang aking dalangin, hindi ka mawala sa aking isipan, matagal na 'kong sabik sa'yo, sana naman ako ay pagbigyan, o wag ka nang lilisan, gusto ko sanang mahawakan ka, at minsan pa ay mayakap ka, gusto ko sanang makausap ka, at minsan pa'y mahagkan kita, sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama, sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya, o aking giliw wag nang malumbay, ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay, sa iyong paggising at walang aakay, nandito lang ako naghihintay, pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin, mga palad mo ang siyang aking dalangin. ang aking dalangin
Comentários
Seja o primeiro a conversar.
Entre para participar da conversa.