abrakadabra
heto na pala ang pinakahihintay nyong lahat, handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?, pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay, pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay, na makatang hibang, sino ba kasi 'yan?, ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang, mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang, puro isip bata at yan ang patunay na magulang, ang makatang hibang, sino ba kasi 'yan?, ako si abra, kadabra, handa ka na ba pre?, wala akong paki kung hindi, wag kang maarte, makinig ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis, sobrang bukambibig na parang presyo ng langis, ang sadistang rapista artista na boy, kaya hasta la vista sa rap na baduy, istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy, walang kawala na para bang nasalanta ng ondoy, ako ang nabuwang na mukhang mabait, maluwang ang damit at lubhang masakit, ang mga salita ko pangdalubhasang galit, eh yung sayo naman parang nagmula lang sa pwet, "walang class" talaga?, "ang baduy" mas desente ka?, kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka, mahulog sa hagdanan, malunod at makuryente ka, tagalog o ingles sakin magkakaleche leche ka!, di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, at talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, hindi ko kayang kumuha ng kuneho saking sumbrero pero, kaya kong kumain ng ispada na merong yero, hindi ito stirero, ako paminsan ay umuupo sa dingding o kaya tulog sa kisame, "idol, naniniwala po ako na totoo", problema ng pinas marami nang mga uto-uto, punong-puno!, kung kaya't dugo ko at kumukulo, oh diyos ko po! alam ko na hindi mo rin ginusto to, kaya biyaya mong handog, gagamitin ko, at kahit may pagkahambog, sasabihin ko, na ako mismo humahanga din sa lyrics ko, minsan nakikipag apir ako sa sarili ko, imposible parang nagka-utang sa pulis, nakakapagpabagabag na parang kubang nabuntis, nakakamangha talaga ang aking mga salamangka, na nagpasok kay aladdin at genie sa isang lampara, di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, at talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, kung sakali lang na di mo maintindihan, baka masyado nang makitid at barado na ng litid, ang iyong kaisipan, kung di mo trip ang mga hirit na nanggaling saking isip, wag mong pakikinggan, at basta wag mo lang idamay ang ama at ang ina mo, sa iyong kapintasan, baluktot na ang industriya at para ating maituwid, itigil na ang spongekumag, femhale, at cueshet!, mga bandang nakapalda banda rito banda roon, at mga kritikong di naman talaga matalino, bat ganon?, bat girl nakakasilaw, ang galing daw, di marunong kumanta pero sikat parin, wow, di marunong sumayaw at ang mas masaklap, di marunong mag-rap parang de ap na may mansanas sa harap, ako ang tinagurian na isa sa mga pinakamalupit, ang makatang hibang na binabalak ulit, na muling ibalik ang tinaga at punit, na karangalan ng aming larangang inakalang nasa ataul, hip-hop, mahal kita kaya kita ipinagtatanggol, ang musika parang babaeng napusuan ko, kaakit-akit kung makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko, at aking nilabas ang kanta kahit may butas to, para makabunga ng mas marami pang katulad ko, di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, at talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada, na di lahat ng rap ay nakakawalang gana, sumama na kayong lahat sa abrakadabra, handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?, pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay, pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay, na makatang hibang, sino ba kasi 'yan?, ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang, mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang, puro isip bata at yan ang patunay na magulang, ang makatang hibang, sino ba kasi 'yan?, ako si abra! ah abrakadabra!, oh, now you know
Комментарии
Начните обсуждение первым.
Войдите, чтобы участвовать в обсуждении.